Filipino Vendors

IMG_20190119_222223.jpg

Hindi na ito bago, pero tandaan po natin na ang puhunan po dito ay dugo, pawis at tyaga. Huwag na po nating BARATIN, utang na loob. Alam naman natin na wala silang magagawa dahil perishable goods nga ang kanilang product at once a week lang silang pweding mag benta! Wala naman po kasing refrigerator sa bukid. Pwede po bang paki barter niyo nalang sa bigas or isda, kaysa naman kung TUMAWAD kayo wagas! Isipin nalang po natin na may pinapa-aral din silang mga anak at pinapa-kain na pamilya. Hindi naman po nila pinang-iinom or pinang-susugal ang kakarampot na kita nila dito, gusto lang po nilang makakain ng bigas, medyo nakakaumay na rin daw po kasi ang saging at kamote.

Mahalin at support natin ang mga kagayan nilang small vegetable vendors.

If you find this post useful, please share!

Leave a Reply